Logo
FEATURED

WALANG SPECIFIC INSTRUCTIONS SI PBBM SA COA —CALIDA

Published Jul 05, 2022 05:02 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: JOHN ORVEN VERDOTE]

WALANG SPECIFIC INSTRUCTIONS SI PBBM SA COA  —CALIDA

WALANG ibinigay na "specific instructions" si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kay Commission on Audit (COA) chairperson Jose Calida. "Wala," ang tugon ni Calida sa media nang tanungin kung nakatanggap ba siya ng kahit na anumang instructions mula kay Pangulong Marcos para sa bago niyang trabaho. Si Calida, dating solicitor general sa ilalim ng administrasyong Duterte ay nag-assume ng bago niyang posisyon at nakipagkita sa kanyang mga kasamahan sa COA main office sa Quezon City. Sinabi ni Calida na ang mga empleyado ng COA ay "excellent at what they do and will win the fight against corruption." "Magagaling ang mga empleyado, wala akong problema sa kanila," diing pahayag nito. "We will triumph...in our mandate," dagdag na pahayag ni Calida. Samantala, hindi naman masabi ni Calida sa ngayon kung ipagpapatuloy ng COA na ilathala ang Annual Audit and Financial Reports ng mga ahensya ng gobyerno kasama ang iba pang special COA reports, sa ilalim ng kanyang liderato. "Ganito, this is my first day. Give me some more days, I will tell you what I want to do," aniya pa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News