Logo
FEATURED

CHINESE FOREIGN MINISTER WANG YI, NAKATAKDANG BUMISITA SA PILIPINAS NGAYONG ARAW

Published Jul 05, 2022 05:08 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: THE CHINESE EMBASSY IN THE PHILIPPINES]

CHINESE FOREIGN MINISTER WANG YI, NAKATAKDANG BUMISITA SA PILIPINAS NGAYONG ARAW

INAASAHAN na ang pagdating sa Pilipinas ni Chinese Foreign Minister Wang Yi, ngayong araw Hulyo 5 hanggang bukas. Nakatakda rin itong makipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para pag-usapan ang bilateral issues at personal na ipaabot ang imbitasyon mula kay Chinese leader Xi Jinping na bumisita sa China. Si Wang ang pangalawang most senior Chinese official na bumisita sa Pilipinas matapos si Chinese Vice President Wang Qishan, na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong Hunyo 30 bilang special representative ni Xi. Wala namang detalye ng ibinigay ang DFA sa byahe na ito ni Wang subalit may balita na magdaraos ito ng bilateral talks sa kanyang Philippine counterpart na si Foreign Secretary Enrique Manalo at National Security Adviser Clarita Carlos. "Wang's trip is taking place a week before the Philippines commemorates its victory before a The Hague-based arbitral tribunal, which invalidated China's sweeping claim in the disputed South China Sea, including waters and features within Manila's exclusive economic zone. China does not recognize the ruling," ayon sa ulat.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News