Logo
FEATURED

PHIVOLCS MULING NAGPAALALA SA PUBLIKO NA MAGING HANDA SA MGA SAKUNA

Published Aug 04, 2022 05:23 PM by: NET25 | 📷 Google

PHIVOLCS MULING NAGPAALALA SA PUBLIKO NA MAGING HANDA SA MGA SAKUNA

Muling pinaalalahanan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum Jr. ang publiko sa kahalagahan ng pagiging handa sa mga sakuna gaya ng malakas na lindol.   "Ang importante, siguro maging paalala ito sa ating mga kababayan na ang malalakas na paglindol tulad ng nangyari sa Abra ay puwedeng tumama sa anumang lugar sa Pilipinas, except doon sa mainland Palawan kasi malayo po sila sa aktibong fault o trench. Kaya kailangang paghandaan ang mga malalakas na lindol,” ayon kay Solidum.   Gumawa ang ahensya ng mobile application app na HazardHunterPH. Aniya, kailangang tukuyin ang mga panganib na maaaring tumama sa isang lugar.    Sinabi ni Solidum na ang app ang nagbibigay ng babala sa mga user tungkol sa mga posibleng panganib tulad ng tropical cyclone, lindol, at pagsabog ng bulkan na maaaring tumama sa kanilang mga lugar.   Kailangan ding tiyakin na ang mga bahay at gusali ay sapat na malakas upang makayanan ang malalakas na lindol. Sinabi ni Solidum na ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ay nakabuo din ng isang app na tinatawag na "How Safe Is My House."    Binanggit din ng opisyal na ang buong komunidad at mga lokal na pamahalaan ay dapat magkaroon ng search and rescue at medical response units.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News