MANDATORY RETIREMENT AGE SA TRABAHO, ALISIN NA–SOLON
Published Aug 04, 2022 05:31 PM by: NET25
Tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga mangagawa sa pribadong sektor. Ito ang isusulong ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong “ Ordanes sa panukalang batas na kaniyang ihahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sinabi ni Ordanes nilalayon ng kaniyang panukala na magpatuloy sa pagtratrabaho ang mga senior citizens basta’t may kakayahan at malakas pa ang mga ito. “Meron po sana akong binabalak po na bill na i-abolish na 'yung mandatory retirement, instead i-allow natin ‘yung mga senior citizens to work, provided that they are still capable of working on their jobs,"anang solon. Ayon kay Ordanes, ang kailangan lamang ay magpakita ang mga senior citizens ng clearance galing sa mga doktor na nagsasaad na ‘fit to work’ pa rin ang mga ito. Ayon sa solon na karaniwan na kapag sumapit sa gulang na 60 o senior citizen ay obligado o compulsory requirements na sa mga mangagawa ang magretiro na sa serbisyo.
Latest News