Logo
FEATURED

PINAS KAILANGAN NA RIN MAGHANDA SA TENSYON NG CHINA AT TAIWAN

Published Aug 05, 2022 03:09 PM by: NET25

PINAS KAILANGAN NA RIN MAGHANDA SA TENSYON NG CHINA AT TAIWAN

Dapat umano maghanda na rin ang Pilipinas kaugnay sa namumuong tensyon sa pagitan ng China at Taiwan matapos ang ginawang pagbisita sa Taiwan ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi. Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, dapat mabahala ang bansa sa namumuong tensyon sa rehiyon lalo pa at 'geographically" ay napakalapit ng Pilipinas sa Taiwan. Bukod dito, isa pa umano sa malaking alalahanin ang libu-libong mga Pilipino na nagtatrabaho at nakatira na sa Taiwan. Umaasa si Estrada na hindi mauuwi sa malala ang sitwasyon dahil ang posibleng banggaan ng dalawang "major powers" na US at China na magdudulot ng malaking pinsala sa ekonomiya ng buong mundo lalo pa at nasa sitwasyon pa rin tayo ng epekto ng pandemya at krisis sa Ukraine. Dapat din umanong palaging nasa "best interest" ng bansa ang pagpapanatili at pag-iingat sa kapayapaan, gayundin ng pagsusulong ng katatagan at seguridad sa tulong na rin ng mga kalapit na bansa sa Southeast Asia. Naunang napaulat na nagpakawala ng missile malapit sa Taiwan ang China bilang bahagi ng kanilang military drill.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News