INFLATION RATE TUMAAS SA BUWAN NG HULYO
Published Aug 05, 2022 03:15 PM by: NET25
Bumilis pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Hulyo. Sa datos ng Philippine Statistic Authority pumalo na sa 6.4 percent ang inflation mas mataas sa 6.1 percent na naitala noong Hunyo at halos doble sa naitala noong Hulyo ng nakaraang taon na 3.7 percent. Ayon kay Usec. Dennis Mapa ng PSA, ang mataas na inflation ay dulot ng mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain tulad ng karne at isda, itlog refined sugar at tinapay. Bahagya ring tumaas ang presyo ng kada kilo ng bigas nitong hulyo. Bukod dito malaki rin aniya ang naging epekto ng pagtaas ng singil sa pamasahe sa jeep na dulot naman ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo naging mabagal naman ang pagtaas ng bilihin at serbisyo sa metro manila na naitala sa 5.7 percent.
Latest News