MAHIGIT PISONG BAWAS-PRESYO SA PETROLYO, INAASAHAN SA PAPASOK NA LINGGO
Published Aug 05, 2022 03:21 PM by: NET25
May aasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. Sinabi ni Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy Director Rino Abad na maaaring mahigit sa piso ang tapyas sa kada litro ng gasolina, halos dalawang piso naman sa kada litro ng diesel at mahigit piso sa kada litro ng kerosene. Ito'y kasunod na rin ng pagdaragdag ng produksyon ng krudo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC. Ayon kay Abad, mas mataas pa sana ang magaganap na rollback kung hindi lang sumabay ang pagsipa ng interest rates ng Amerika. Inaasahang sa Lunes ay iaanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang pinal na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Latest News