Logo
FEATURED

UNANG SPACECRAFT NG SOUTH KOREA SA BUWAN, INILUNSAD NA

Published Aug 05, 2022 03:36 PM by: NET25 |📷 Jung Yeon-je, AFP

UNANG SPACECRAFT NG SOUTH KOREA SA BUWAN, INILUNSAD NA

Inilunsad ng South Korea ang kauna-unahan nitong misyon sa buwan sa pamamagitan ng lunar orbiter na pinangalanang 'Danuri.' Lulan ng SpaceX Falcon 9 rocket ang bagong disruption-tolerant network na kayang magpadala ng data mula sa kalawakan. Ito ay inilunsad mula sa Cape Canaveral, Florida sa Amerika at inaasahang makakarating sa buwan sa kalagitnaan ng disyembre. Mananatili sa buwan ang lunar orbiter sa loob ng isang taon para mag-obserba at tumukoy ng future landing sites. Sa kasalukuyan ay nasa orbit ng buwan ang spacecraft ng US at India, maging ang isang Chinese lunar rover. Ang salitang 'Danuri' ay hinango sa mga salitang 'moon' at 'enjoy.'

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News