Logo
FEATURED

CHERIE GIL, PUMANAW NA SA EDAD NA 59

Published Aug 05, 2022 10:30 PM by: Stephanie Mayo

CHERIE GIL, PUMANAW NA SA EDAD NA 59

Ang beteranong aktres na si Cherie Gil ay pumanaw na kaninang 5:00 ng hapon. Ito ay inanunsyo ng actress-talent manager na si Annabelle Rama sa kaniyang Instagram post. Si Gil ay may edad na 59. Isang source ang nag-kumpirma na ang aktres ay namatay sa New York matapos ang pakikipaglaban nito sa cancer. Noong Pebrero, iniwan ni Gil ang showbiz at nag-migrate ito sa New York. Sinabi nito sa MEGA Magazine na ang desisyon na iwanan ang pag-arte ay upang hanapin ang sarili nito at magkaroon ng panibagong simula. Sa magazine cover ng nasabing issue, si Gil ay naka-shave ang buhok. Hindi binanggit ng aktres na may karamdaman ito. Si Gil ay anak ng mga batikang showbiz personalities na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Ang mga kapatid nito ay ang mga aktor na si Michael de Mesa at Mark Gil. Si Gil ay may dalawang anak sa asawa nito, ang violinist na si Rony Rogoff, at isang anak sa aktor na si Leo Marinez. Tinaguriang “quintessential kontrabida” ng Philippine cinema, si Gil ay nagsimula sa kaniyang showbiz career sa edad na 9. Sa 50 taong karera sa showbiz, nagtamo ito ng maraming parangal, kabilang ang FAMAS, Gawad Urian, at Ani ng Dangal.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News