Logo
FEATURED

ECONOMIC SUCCESS NG JAPAN PWEDENG GAWING 'ROADMAP' NG PINAS

Published Sep 22, 2022 01:53 PM by: NET25 News | 📷 : Senate of the Philippines Fb

ECONOMIC SUCCESS NG JAPAN PWEDENG GAWING 'ROADMAP' NG PINAS

Iminungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano na maaaring gamiting "roadmap" ng Pilipinas ang economic success ng Japan. "Kung gusto nating baguhin ang Pilipinas, the friendship of Japan and the Philippines is very important. The model of Japan na dapang-dapa but within 30 years became one of the strongest economies of the world can be our roadmap," ayon kay Cayetano. Ginawa ni Cayetano ang pahayag sa plenary session ng Commission on Appointments noong Miyerkules (September 21) kung saan tinalakay ang appointment ni Mylene Garcia-Albano bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Japan. Binigyang-diin ng dating Foreign Affairs secretary ang kahalagahan ng relasyon ng Pilipinas sa Japan dahil sa historical at economic ties ng dalawang bansa. "Over the years, we found a way to love our enemies and Japan also found a way to go beyond reparations through aid, financing, and technology," pahayag ni Cayetano. Samantala, nagbigay-pugay din si Cayetano sa yumaong si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News