PEKENG DENTISTA NABUKO, KALABOSO
Published Sep 22, 2022 01:58 PM by: NET25 News | 📷 : National Bureau of Investigation FB
Pekeng dentista sa Lucena City inaresto ng NBI. Inaresto ng National Bureau of Investigation-Lucena District Office (NBI-LUCDO) sa entrapment operation ang isang ginang na illegal na nagsasagawa dentistry sa Lucena City. Kinilala ng NBI-LUCDO ang naaresto na si Blanca Perjes Capisonda-Lobusta. Ayon sa NBI, si Lobusta ay dinakip base sa impormasyong natanggap ng ahensya kaugnay sa isang Tita Cosa na sangkot sa illegal practice of dentistry sa Lucena City. Natuklasan na kahit walang dental clinic, nagagawa pa rin nito ang raket sa pamamagitan ng home service. Agad ikinasa ng NBI-LUCDO ang entrapment operation ng makumpirma ang impormasyon kung saan nahuling en flagrante delicto si Tita Costa habang tinatanggap ang marked money mula sa poseur-patient at nakatakdang magbigay ng anesthesia at naghahanda para sa pagbubunot ng ngipin. Nakuha mula sa suspek ang mga kagamitan sa ngipin tulad ng salamin sa bibig, dental aspirating syringe, topical anesthetic agent, licodine carpule, dental forcep, cowhorn dental forcep, surgical hand instrument, short needles, at local anesthetic agent. Iniharap ang suspek para sa inquest proceedings sa Inquest Prosecutor ng Lucena City Prosecutor’s Office para sa paglabag sa RA 9484 o mas kilala bilang The Philippine Dental Act of 2007.
Latest News