NAMATAANG LPA, ISA NANG GANAP NA BAGYO
Published Sep 22, 2022 03:54 PM by: NET25 News | 📷 : Dost_pagasa FB
Isa na nang ganap na bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa Luzon. Ang bagyo na tinawag na Bagyong Karding ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,350 kilometro ng Silangan ng Central Luzon o nasa layong 1,370 Silangan ng Northern Luzon. Si Karding ay kumikilos pasilangan sa bilis na 10 kilometro kada oras. Taglay ni Karding ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras. Si Karding ay magdudulot ng mga pag uulan sa Northern at Central Luzon. Katamtaman naman hanggang sa maalon ang baybayin sa northern at eastern seabord. Ngayong Biyernes, si Karding ay inaasahang nasa layong 1,035 kilometro ng Silangan Hilagang Silangan ng Southern Luzon.
Latest News