OFWS BINALAAN NG BOC SA MODUS SA BALIKBAYAN BOXES
Published Sep 22, 2022 06:08 PM by: NET25 News
Nagpaalala kahapon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging mapanuri at mag-ingat sa modus sa pagpapadala ng balikbayan boxes na hindi nakararating sa padadalhan sa Pilipinas. Ito’y matapos na makatanggap ng sumbong ang BOC mula sa mga OFWs, na may mga consolidators o international freight forwarders sa ibang bansa na naniningil ng processing fees sa murang halaga at nangangakong i-dedeliver ang mga balikbayan boxes sa mga ultimate consignees nito sa Pilipinas. "Ngunit sa katunayan, walang natatanggap na pondo ang kanilang partners na deconsolidators o local freight forwarders dito sa Pilipinas para maproseso at mailabas mula sa BOC ang nasabing mga balikbayan boxes," ayon sa BOC. Ayon sa BOC, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines o DDCAP upang masiguro na matatanggap ng mga kababayan ang kanilang mga balikbayan boxes na naapektuhan ng nasabing modus.
Latest News