Logo
FEATURED

PULIS, PATAY SA BARIL NG KABARO

Published Nov 24, 2022 03:59 PM by: NET25 News|📷PNA

PULIS, PATAY SA BARIL NG KABARO

Isang pulis ang nasawi makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang kabaro sa loob ng barangay hall sa San Pablo City, Huwebes ng umaga. Nakilala ang biktima na si Police Corporal Fhrank Aldene Dela Cruz, tubong Alicia, Isabela at kasalukuyang nakadestino sa SWAT unit ng San Pablo City police station. Sa inisyal na ulat, napag-alamang naglilinis ng baril bandang alas-8:30 ng umaga si Dela Cruz kasama ang kanyang mga kasamahang pulis nang bigla na lang pumutok ang baril ng isa sa mga ito at tamaan ang biktima sa kanyang dibdib . Agad na mang isinugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay. Pansamantala namang inilagay sa kustodiya ng San Pablo police ang pulis na aksidenteng nakabaril kay Dela Cruz habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News