Logo
FEATURED

153RD MALASAKIT CENTER INILAGAY SA OFW HOSPITAL SA PAMPANGA

Published Nov 24, 2022 04:36 PM by: NET25 News | 📷: DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS FB

153RD MALASAKIT CENTER INILAGAY SA OFW HOSPITAL SA PAMPANGA

Pormal na inilunsad kaninang umaga (Huwebes) ng Department of Health (DOH) ang ika-153rd Malasakit Center na matatagpuan sa loob ng OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga. Ang simpleng programa ay dinaluhan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Singh-Vergeire, Senator Bong Go at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople. Sa pahayag ng DOH, ang bagong Malasakit Center ay magsisilbing one-stop-shop na pasilidad na tutugon sa mga pangangailangan ng overseas Filipino Workers (OFWs) at pamilya pagdating sa serbisyo ng PhilHealth, DSWD, PCSO, at DOH. Ang mga migranteng manggagawa ay tinatanggap at hinihikayat na gumamit ng mga serbisyo. "We consider this a critical milestone, as it not only means another opportunity to improve access, but equally worth celebrating is the fact that this is the first center that will cater specifically to our countrymen who we consider our modern-day heroes our Overseas Filipino Workers (OFWs) as this center is strategically located in our newly-created OFW Hospital," pahayag ni Vergeire. Sa tulong ng Malasakit Center, maibibigay ang komprehensibo at kabuuang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng migranteng manggagawa kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) contributors, aktibo man o hindi aktibo at ang kanilang mga legal dependents. Magsisilbi rin itong pangunahing referral na ospital para sa mga repatriated OFWs na nangangailangan ng serbisyong medikal at tulong. "Sa ating patuloy na pagpapatayo ng mas marami pang Malasakit Center, makaasa po kayong lagi’t laging naririto ang DOH upang magbigay ng suporta. Bukod pa dito, makakaasa rin kayo na patuloy ang paghahatid natin ng serbisyong pangkalusugan at kalinga habang binibigyang diin ang alagang may dignidad, respeto, at higit sa lahat-malasakit.” Nawa’y magpatuloy tayo sa ating nagkakaisang kilos upang maisakatuparan ang lahat ng pangako ng Universal Health Care. Let us unite under the banner of UHC, to realize our goal of a Philippines where quality healthcare is affordable to all," dagdag ni Vergeire.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News