Logo
FEATURED

GUMAGANA ANG SISTEMA NG HUSTISYA SA PILIPINAS –REMULLA

Published Nov 24, 2022 05:17 PM by: NET25 News | 📷: BUREAU OF CORRECTIONS

GUMAGANA ANG SISTEMA NG HUSTISYA SA PILIPINAS  –REMULLA

Hindi mamamayani ang impunity sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng guilty verdict ng Caloocan City Regional Trial Court sa isang pulis sa kasong pagpaslang sa dalawang tinedyer. “Well, what we can say is really, we don’t want impunity to rule in our country… we will never, never succumb to impunity. All of these forces have to deal with the consequences of their actions,” reaksyon ni Remulla. Napatunayang guilty ng Caloocan RTC Branch 122 si PO1 Jeffrey Perez sa pag-torture at pagpaslang kina Carl Angelo Arnaiz at 14-anyos na si Reynaldo "Kulot" De Guzman noong 2017 sa gitna ng "war on drugs" ng Duterte administration. Pinuri naman ni Public Attorney's Office chief Persida Acosta ang kooperasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), ang forensic team nito at mga prosecutor sa pagresolba sa kaso. Mailalabas naman umano ang desisyon sa hiwalay na kasong murder nina Arnaiz at De Guzman sa Navotas RTC sa darating na Disyembre o sa Enero sa 2023. “I think before December ends or early part of January there shall be a decision but we are optimistic that the same decision will come out,” ayon kay Acosta.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News