Logo
FEATURED

DSWD, AAYUDAHAN ANG MGA NAMAMALIMOS NA BADJAO

Published Nov 24, 2022 05:30 PM by: NET25 News

DSWD, AAYUDAHAN ANG MGA NAMAMALIMOS NA BADJAO

Bibigyang ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga namamalimos na Badjao na na-rescue sa mga lansangan ng Metro Manila. Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo kasabay nang pagsasabing inatasan na niya ang kanilang provincial welfare officer sa Jolo, Sulu upang ito na ang mangasiwa sa pagkakaloob ng tulong sa mga Badjao upang mapigilan na ang mga ito na magtungo ng Metro Manila para mamalimos sa mga kalsada. Inihayag pa ni Tulfo na kanyang nalaman mula sa mga nasagip na Badjao na kumikita ang mga ito ng hanggang P5,000 kada araw mula sa panlilimos sa mga lansangan. Noong nagdaang linggo ay may 100 badjao na ang narescue ng DSWD. Bukod sa food packs at hygiene kits, ayudang tig-P10,000 kada isang Badjao ang naibigay ng ahensiya na maaari nilang magamit na panimula sa isang maliit na puhunan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News