Logo
FEATURED

PINAS NAKAPAGTALA NG 189 DIPLOMATIC PROTESTS VS CHINA NGAYONG TAON

Published Nov 24, 2022 06:12 PM by: NET25 News | 📷: AFP

PINAS NAKAPAGTALA NG 189 DIPLOMATIC PROTESTS VS CHINA NGAYONG TAON

Nasa 189 nang diplomatic protest ang naiharap ng Pilipinas laban sa China ngayong 2022. Ito ang nabatid kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Teresita Daza, kasabay ng pagsasabing ang 61 sa nasabing bilang ay nangyari nitong kasalukuyang administrasyon at ang iba ay sa panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayon lamang 2022. Ang pinakahuling ‘note verbale’ na ipapadala ay may kinalaman sa ulat na sapilitang pagkuha ng Chinese Coast Guard sa isang ‘unidentified floating object’ o debris na una nang nasabat ng AFP . Nakasaad umano dito na humihingi ng paglilinaw ang Pilipinas mula sa China kaugnay sa insidente na kinasasangkutan ng Philippine Navy (PN) at Chinese Coast Guard sa karagatan ng Pag-asa island kung saan nga kinuha ng mga Tsinoy ang sinasabing narekober na debris na hawak ng PN. Sinabi naman ni DFA Secretary Enrique Manalo na pinag-aaralan na nila ang nasabing insidente bago pa magpadala ng note verbale sa Beijing.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News