ZUBIRI, KINALAMPAG ANG PLLO UKOL SA INTERNATIONAL TREATIES
Published Jan 25, 2023 04:09 PM by: NET25 News | 📷: PLLO.GOV.PH
Kinalampag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) kaugnay sa mga international treaties na kailangang ratipikahan ng Senado. Ito ay matapos mabatid na hindi pa signatory ang Pilipinas ng International Labor Organization (ILO) Convention 190, isang kasunduan sa pagitan ng iba't ibang bansa na pagtitiyak ng violence-free at harassment-free ng mga lugar paggawa. Sa kasalukuyan, nasa 24 na mga bansa na ang signatory ng ILO C190. Dahil dito, inabisuhan ni Zubiri ang Senate Secretariat na paalalahanan ang PLLO na mag-double time sa mga international treaties. Ang naturang usapin ay naungkat sa pagtalakay ng mga senador kaugnay sa sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay sa Kuwait, at sa pagtalakay ng mga paraan upang mapaigting ang proteksyon sa mga OFWs. Matatandaan na ang lahat ng mga international treaties na sasalihan ng bansa ay kailangan aprubahan at ratipikahan ng Senado.
Latest News