Logo
FEATURED

SIBUYAS BILANG BAYAD SA ISANG STORE SA QC

Published Feb 04, 2023 03:33 PM by: NET25 News

SIBUYAS BILANG BAYAD  SA ISANG STORE SA QC

Dumagsa ang mga mamimili sa isang Japanese store sa Quezon City matapos na tumanggap ng sibuyas bilang bayad sa ilang piling paninda nila sa loob ng isang araw. Humaba ang pila ng mga mamimili ang main branch ng Japan Home Centre sa Panay, Quezon City nitong Sabado para bumili ng ilang piling items, na maaaring bayaran ng sibuyas. Kabilang sa mga maaaring bilhin kalapit ngsibuyas ay ang mga cooking pans, cleaning solutions, at iba't ibang home products na nagkakahalaga ng hanggang P88. Isang sibuyas ang katumbas sa bawat isang item at hanggang tatlong item lang maaaring bayaran ng mamimili kapalit ng tatlo ring sibuyas. Sinabi ni Japan Home Centre Marketing Officer Mitzi Gamboa, ang event ay hanggang alas-8:00 ng gabi lamang ng Sabado. Ang mga nakolekta nilang sibuyas ay gagamitinsa community pantry na itatayo sa tapat ng tindahan sa Pebrero 8.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News