Logo
FEATURED

WATER INTERRUPTION SA LAS PINAS, MUNTILUPA AT IBA PA

Published Feb 04, 2023 06:47 PM by: NET25 News|📷 MAYNILAD FB

WATER INTERRUPTION  SA LAS PINAS, MUNTILUPA AT IBA PA

Makakaranas ng water interruption ang mga lugar ng Las Pinas, Muntinlupa, Cavite, Paranaque at Pasay City. Ito ang inanunsyo ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) na nagsimula na nga nitong Sabado at tatagal hanggang sa araw ng Martes (Peb.7). Idinahilan ng Maynilad, na ang pagtaas ng raw water turbidity na dulot ng hanging amihan ang dahilan ng water interruption. Sa Las Pinas, ang water interruption ay magsisimula alas- 9 ng February 4 (Sabado) hanggang alas-4 ng hapon, araw ng Martes, Feb. 7. Sa Muntinlupa naman ay alas -12:01 ng hapon ng Sabado (Feb. 4) hanggang sa Feb 7 ng alas- 4 ng umaga. Sa lugar ng Muntinlupa at sa ,ga lugar pang nabanggit ay mula alas- 11:00 ng umaga ng Sabado (Feb. 4) hanggang sa alas- 5 ng umaga ng Martes (Feb. 7). May mga mobile tankers na umano na mag-iikot sa mga apektadong lugar para magbigay ng malinis na tubig.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News