Logo
FEATURED

9,000 KASO NG CHILD ABUSE NAITALA NOONG 2022

Published Feb 04, 2023 06:51 PM by: NET25 News|📷 UNICEF FB

9,000 KASO NG CHILD ABUSE NAITALA NOONG 2022

Nakapagtala ang Council for the Welfare of Children (CWC) ng halos sa 9,000 kaso ng child abuse noong nakalipas na taon. Ayon kay CWC executive director Undersecretary Angelo Tapales na ang nasabing bilang ay buhat sa kabuuang ulat mula sa mga children protection units sa mga ospital at sa helpline ng CWC. “Batay po sa datos na nakuha namin sa women and children protection unit na present po sa mga hospital natin sa buong Pilipinas, noong 2022 po, may 8,948 na kabataan ang naitalang naabuso,” dagdag ni Tapales. Binanggit pa nito na sa Makabata(Mahalin at Kalingain ating mga Bata ) Helpline mayroong naitala na 43 kaso ng pangaabuso na karamihan ay kinasasangkutan ng edad 15-17. Nangyayari ang pang-aabuso sa tahanan, paaralan at komunidad, kabilang dito ang may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso, pananakot, at mental health. Dahil dito, isinusulo na rin ng CWC ang batas na magbibigay ng suporta sa kalusugan at psychosocial sa mga bata.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News