206 MAJOR PROJECTS NG MARCOS ADMIN ILALABAS NG NEDA
Published Feb 04, 2023 07:16 PM by: NET25 News
Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ilalabas nila ang pinal na listahan ng 206 major projects ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023. Kasunod ito ng paunang 7 "high-impact projects" ng administrasyon na inanunsyo noong Biyernes. Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay at sinusuri ng socioeconomic planning body ang mahabang listahan ng mga proyekto. “So far, mga 206 iyong nasa listahan ngayon. And that’s just for iyong tinatawag nating maging flagship. That could still be trimmed down... iyon nga tinitingnan natin iyong viability nito,” ayon kay Edillon. “Iyong the benefits versus the cost, of course. Kasi iyong longer list, ito iyong mga 3,000 projects iyon, all the way to 2028. But, like I said, iyong listahan na iyon, we will come up with it, it will be uploaded again on the NEDA website by the end of this first quarter," dagdag ni Edillon. Ang mga proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng iba't ibang schemes gaya ng "public private partnership (PPP), grants at government allocation." Binanggit ni Edillon na nakatuon ang pansin ng administrasyon sa "solicited PPPs, or those well-crafted and vetted projects, which could help the government achieve its targets of economic growth, increased employment and poverty reduction." Kabilang sa mga high-impact projects na inaprubahan ng NEDA Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tumatayong chairman nito ang mga establisyemento gaya ng "300-bed capacity University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center-Public Private Partnership (PPP) project, pagtaas sa halaga ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) rehabilitation project, paggamit ng Japan International Cooperation Agency (JICA) loan balance para sa bagong Communications, Navigation, Surveillance-Air Traffic Management (CNS-ATM) system, at pagtatayo ng bagong Dumaguete Airport Development Project. Ang iba pang proyekto na inaprubahan o kinumpirma ng NEDA board ay ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIDP) ng DA, at ang P20-billion first phase ng Integrated Flood Resilience at adaptation project ng Department of Public Works and Highways’ (DPWH) sa tatlong mga pangunahing river basin sa bansa.
Latest News