DISKWENTO SA PAMASAHE NAIS NI POE NA IPATUPAD SA LAHAT NG PUV
Published Mar 18, 2023 03:48 PM by: NET25 News|📷 PNA
Hinikayat ni Public Services Committee Chairperson Senator Grace Poe sa gobyerno na ipatupad sa lahat ng Public Utility Vehicles ang fare discount sa pamasahe. Ginawa ni Poe ang pahayag bilang reaksyon sa naratibo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patuloy pang inaaral kung isasama sa fare discount ang mga UV express at limitado lang sa ilang ruta ang diskwento. Ayon kay Poe, malaking tulong ang bawas pasahe para pandagdag sa arawang gastos ng isang commuter na patuloy na dumaranas ng mataas na presyo ng mga bilihin. Hiling ni Poe na saklawin ang lahat ng PUV at lahat ng ruta sa buong bansa. Giit ni Poe, walang sinuman ang nakakatakas sa patuloy na pagtaas ng inflation at ang bawat pisong matitipid ay malaking tulong sa mga kababayan isang pamilya na kung hindi eksakto ay maliit ang kinikita. Umaasa ang senadora na patuloy na gagamitin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga resources nito para pagbutihin ang transportation sector at kapakanan ng mga commuters.
Latest News