SA KASONG ROBBERY EXTORTION NG CIDG PERSONNELS 'WALANG WHITEWASH'!
Published Mar 18, 2023 04:52 PM by: NET25 News|📷 PNP FB
Tiniyak ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Brig. Gen. Romeo Caramat Jr.,na walang magaganap na white wash sa pagbusisi sa naganap na robbery extortion ng 12 tauhan ng CIDG-National Capital Region Field Unit (NCRFU) makaraang huihin ang ilang mga negosyanteng Chinese na nahuli sa anti-illegal gambling operation sa lungsod ng Parañaque kamakailan. Sinabi ni Caramat na hindi niya kukunsintihin ang sinuman sa kaniyang mga opisyal at tauhan na masasangkot sa illegal na aktibidades. Katunayan umano nito, ay nang makarating sa kanya ang reklamo ay agad niyang ipinagutos ang pagsibak sa lahat ng personnels ng NCRFU na agad isinalang sa masusing imbestigasyon. Magugunitang maging ang hepe ng nasabing unit na si Chief P/Col. Hansel Marantan ay nagboluntaryong magpa-relieve upang hindi maimpluwensiyahan ang imbestigasyon. Bukod kay Marantan kabilang pa sa nasibak ay dalawa pang opisyal at 10 Commissioned officers ng nasabing tanggapan. Marso 13 nang isagawawa ng mga tauhan ng CIDG-NCRFU ang iperasyon kung saan nadakip nila ang ilang negosyateng Chinese na naaktuhang nagsusugal sa Paranaque. Marso 16 ay dumulog sa tanggapan ni P/ Lt. Gen. Rhodel Sermonia, PNP Deputy Chief for Administration sa Camp Crame ang mga negosyanteng Chinese at kanilang mga pamilya na nakalaya matapos magpiyansa at binuweltahan ang nasabing mga pulis na umano’y kinotongan sila. Base sa reklamo ng mga biktima , kinuha umano ng raiding team ang P3 milyon sa kanilang safety box at bukod dito ay kinokotongan pa sila kapalit ng kanilang kalayaan. Kinuha rin umano ang ilang mamahaling relo ng mga biktima.
Latest News