Logo
FEATURED

179 PAMILYA NG OFW, MAY AASAHANG BAHAY

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

179 PAMILYA NG OFW, MAY AASAHANG BAHAY

PARA maging disente ang pamumuhay, tutulungan ng pamahalaan ang kaanak ng mga overseas Filipino workers. Kaya naman asahan na mabibiyayaan ng bagong tahanan ang unang batch ng 179 Overseas Filipino Workers matapos ang drawing of lots para sa OFW Village sa Barangay Kalaisan, Kidapawan City. Pinagunahan ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista at ng mga miyembro ng City Housing Board ang draw ng mga lote para sa mga OFW beneficiaries na makatatanggap ng permanenteng tahanan sa nabanggit na lugar. Ginawa ang drawing of lots sa Mega Tent ng City Hall na dinaluhan ng mga OFW at kanilang pamilya at ng mga opsiyal ng City Housing Board. Magkatuwang ang City Government of Kidapawan at National Housing Authority sa naturang proyekto na itinayo sa apat at kalahating ektaryang lupang binili ng Cotabato Provincial Government at City Government of Kidapawan sa bahagi na sakop ng Barangay Kalaisan. Paglilinaw naman ng Kidapawan City government, ang mga pasok sa nasabing benepisyo ay ang mga OFW na kumikita lamang ng P30,000 kada buwan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News