Logo
FEATURED

3 STATION CHIEFS SA GENSAN, SIBAK SA PWESTO

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

3 STATION CHIEFS SA GENSAN, SIBAK SA PWESTO

(Photo courtesy of the city police office) Natanggal sa pwesto ang tatlong hepe sa General Santos City Police Office (GSCPO) dahil sa neglect of duty. Ito ay matapos ang biglaang pagbisita ni Police Brigadier General Alexander Tagum. Ayon kay Tagum, agad niyang tinanggal sa pwesto ang tatlo nang malamang may kapabayaan ito sa serbisyo. Dagdag ni Tagum, sa ginawa nitong pagbisita nakita niyang absent ang mga ito sa kanilang duty at kulang ang mga personnel na naka-duty noong Nobyembre 18. Kinikilalang sina Police Major Rommel Constantino ng Police Station 1, Police Major Yol Hilado ng Police Station 3, at Police Captain Abdulsalam Mamalinta ng Police Station 4 ang tatlong hepe. Inilipat ang tatlo sa kanilang bagong assignment ngunit hindi pa ito tinutukoy ng mga awtoridad.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News