Logo
FEATURED

1M RELIEF ITEMS, INIHANDA NA NG DSWD

Published May 26, 2023 04:46 PM by: NET25 News | 📷: DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT FB

1M RELIEF ITEMS, INIHANDA NA NG DSWD

Kasado na ang may isang milyong relief items na inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong 'Betty'. Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan. Binanggit ng kalihim na bukod sa family food packs (FFPs) ay mayroon na ring 307,664 non-food items (NFIs) ang naka-preposisyon sa strategic locations at warehouses sa ibat-ibang rehiyon pati na sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC). Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong nakahanda na ang augmentation support ng DSWD sa mga LGU na maapektuhan ng super typhoon. Nagpasalamat naman ang kalihim sa Department of National Defense (DND) sa tulong nito para maihatid ang relief packs sa Batanes na isa sa mga lalawigang tinututukan ng pamahalaan. Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga concerned LGUs upang masiguro ang sapat na tulong na ipagkakaloob sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News