Logo
FEATURED

MGA HERITAGE SITES, LAGYAN NG MODERNONG FIRE PREVENTION SYSTEM —TOLENTINO

Published May 26, 2023 05:03 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

MGA HERITAGE SITES, LAGYAN NG MODERNONG FIRE PREVENTION SYSTEM  —TOLENTINO

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na panahon na para lagyan ng modernong 'fire prevention system' ang mga heritage sites sa bansa.   Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng nangyaring pagkasunog ng Manila Central Post Office noong Linggo.   Sinabi ni Tolentino na ang aral na natutunan dito ay hindi pala equipped ng mga modernong fire fighting devices ang mga ganitong heritage buildings.   Kaya iminungkahi nito na gawing bahagi ng National Building Code para sa preservation ng mga heritage sites sa buong bansa ang paglalagay ng modernong fire prevention system.   Nanawagan din si Tolentino sa mga awtoridad na silipin ang kasalukuyang estado ng mga heritage sites sa bansa, kabilang ang mga pag-aari ng ilang pribadong indibidwal.   Samantala, nalungkot ang senador dahil nabigo ang mga rumespondeng bumbero na pigilan ang apoy na masira ang halos isang siglong neoclassical structure, lalo't ito ay nasa tabi lang ng Ilog Pasig. Mayroon namang mga fireboats na pwedeng gamitin sa pagbuga ng tubig sa nasusunog na gusali kung saan gagamitan lang ito ng water pump.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News