MAYNILA NANGUNA SA 100% IMMUNIZATION KONTRA MEASLES AT RUBELLA
Published May 26, 2023 05:36 PM by: NET25 News
Nanguna ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagkamit ng 100% vaccination laban sa mga sakit na measles at rubella sa National Capital Region o NCR Ang ‘Chikiting Ligtas 2023’ ay nationwide supplemental immunization campaign ng pamahalaan na ang layunin ay mabakunahan ang mga bata kontra, measles, rubella at polio. Ayon kay Dr. Arnold Pangan ng Manila Health Department, hanggang Mayo 25, 2023 ay naitala ang kabuuang 102.24 percent o 151,077 bata ang nabakunahan kontra rubella habang 96.93 percent o 167,833 ang nabigyan ng oral polio vaccine. Iniulat ni Pangan na ang pangunguna ng Maynila sa nationwide immunization drive ay base sa “CY 2023 Measles Rubella Supplemental Immunization Activity Accomplishment Report." Ipinapakita nito na ang kabuuang percentage ng mga nabakunahang bata sa Maynila ay umabot na ng 100.86 percent mula sa 147,771 target na eligible population (9-59 months old), ang kabuuang bata na nabakunahan ay umabot na ng 149,043. Ang immunization drive ay isinasagawa sa lahat ng 44 health centers at anim na city-run hospitals ng Maynila.
Latest News