Logo
FEATURED

BENEPISYO NG BAKUNA SA MGA BATANG EDAD LIMA HANGGANG 11-ANYOS, KAILANGAN PAG-ARALAN

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

BENEPISYO NG BAKUNA SA MGA BATANG EDAD LIMA HANGGANG 11-ANYOS, KAILANGAN PAG-ARALAN

(Photo courtesy of PNA) HINIMOK ng isang opisyal ng National Task Force against Covid19 ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pag-aralan muna kung may benepisyong taglay ang bakuna sa mga edad limang taong gulang hanggang 11 anyos. Ayon kay medical adviser Dr. Ted Herbosa, ang mga batang tinatamaan ng virus ay kadalasang nagkakaroon lamang ng mild symptoms tulad ng ubo at lagnat. Ilang minor COVID-19 patients naman ang nakaranas ng multi-organ dysfunctions nang gamutin sa intensive care unit (ICU). Sinabi ni Herbosa na dapat magdadagdag pa ng mga polisiya at kailangan ding tutukan ng IATF kung talagang beneficial ibigay ang bakuna sa mga Pilipinong bata. Inaasahan naman ng Food and Drugs Administration na magkakaroon na rin ng aplikasyon ang Pfizer-BioNTech manufacturer para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang bakuna sa 5 hanggang 11-anyos. Nilinaw din ni Herbosa na ang "long-term sequelae" effect ng virus sa mga bata ang isa sa mga dahilan kaya't isinusulong ang pediatric vaccination, partikular sa mga 11 anyos pababa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News