Logo
FEATURED

POPCOM, IGINIIT ANG PAG-AMYENDAA SA MGA POLISIYA SA REGIONAL WAGE HIKE

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

POPCOM, IGINIIT ANG PAG-AMYENDAA SA MGA POLISIYA SA REGIONAL WAGE HIKE

IGINIIT ng Commission on Population and Development (POPCOM) na kailangan nang rebisahin ang mga polisiya kaugnay sa pagtataas ng sweldo upang matiyak ang sapat na "living wages" at hindi lamang minimum pays. Sinabi ni POPCOM Chief Juan Antonio Perez III na ang mga progresibong rehiyon ay may mas mataas na sahod sa gitna ng mas maraming work opportunities habang ang mga rehiyon na kakaunti ang trabaho ay mayroong mas maliit na sahod. Ito anya ang dahilan kaya't marmai ang lumilipat sa Calabarzon, National Capital Region (NCR), at Central Luzon. Binigyang-diin ni Perez na dapat nang aralin kung paano maisasaayos ang sitwasyon upang maiangat ang living condition sa bawat rehiyon. Layun ni Perez na magkaroon ng genuine development sa lahat ng Pamilyang Pilipino. Iginiit ni Perez na panahon na upang talakayin hindi lamang ang family planning kung hindi maging ang iba pang misyon upang matulungan ang mga Pilipino.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News