Logo
FEATURED

YORME, DOC WILLIE NEGATIBO SA DRUG TEST

Published Nov 25, 2021 04:48 PM by: NET25 News

YORME, DOC WILLIE NEGATIBO SA DRUG TEST

(Photo courtesy of Manila PIO) Negatibo sa drug test sina Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno at vice-presidential aspirant Dr. Willie Ong makaraang sumailalim test nitomg Huwebes sa tanggapan mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Inilabas din kahapon ng PDEA ang sertipikasyon na hindi gumagamit ng anumang iligal na droga ang dalawa. Nanindigan si Moreno na kahit hindi isinasaad ng batas, dapat boluntaryong isinusumite ng mga kandidato sa halalan ang mga sarili sa drug test ng mismong PDEA. Maging ang buong tiket ng Aksyon Demokratiko ay sumailalim na rin sa drug test. Ayon pa sa alkalde na kapag sinuwerte sa halalan, ipagpapatuloy umano niya ang giyera kontra iligal na droga na inumpisahan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News