Logo
FEATURED

MAG-ASAWA, INAMBUSH SA CALOOCAN; MISTER, PATAY

Published Nov 25, 2021 04:48 PM by: NET25 NEWS

MAG-ASAWA, INAMBUSH SA CALOOCAN; MISTER, PATAY

Isang mister ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang misis sa ambush na naganap sa 5th Avenue, Grace Park sa Caloocan, Miyerkules ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Penencio Daccuro, habang kritikal ang misis nitong si Jenelyn. Sa ulat, lulan ng kanilang sasakyan ang mag-asawa nang paulanan ng bala ng baril ng riding-in-tandem. Nabatid na galing sa Divisoria ang mag-asawa at habang tinatahak ang 5th Avenue ay dinikitan na sila ng riding-in-tandem saka pinagbabaril. Nasapul si Penencio sa kanang leeg na tumagos naman at nasapul ang asawa nito. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Caloocan police sa insidente.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News