Logo
FEATURED

BONG GO, HANDANG MAGSAKRIPISYO—PANGULONG DUTERTE

Published Nov 25, 2021 10:19 PM by: NET25 News

BONG GO, HANDANG MAGSAKRIPISYO—PANGULONG DUTERTE

"Baka hindi ko pa po panahon. Ayaw ko pong mahirapan si Pangulong Rodrigo Duterte at mga supporters namin.”  Ito ang pahayag ni Senator Christopher Bong Go kasabay ng pagkumpirma niyang  handa siyang magsakripisyo dahil ayaw niyang may maipit, mamroblema at masasaktan kaugnay sa usapin ng Presidential race. Sinabi ni Go na matanda na si Pangulong Duterte at ayaw na niyang bigyan pa ito ng dagdag na problema. Sa kabila nito, ipinauubaya na ni Go ang kanyang kapalaran sa Diyos at sa sambayanang Pilipino kasabay ng pagtiyak niya na magpapatuloy ang kanyang  pagsi-serbisyo nang walang kapaguran habang ginagawa niya ang "supreme sacrifice" para sa bansa para magkaisa ang mga supporters at leaders. Binigyang diin ni Go na maraming paraan para makatulong sa kapwa Pilipino kahit saan pa siya dalhin ng kanyang tadhana. Aminado si Go na patuloy siyang nananalangin ng gabay mula sa Panginoon dahil naniniwala siyang destiny ang pagiging isang pangulo ng bansa. Kinumpirma din ni Go na bagamat nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap at suporta ng maraming kababayan pero sa mga nakalipas na araw ay nagkokontrahan ang kanang puso at isip sa kanyang mga ginagawa. Giit ni Go, tao lang din naman siya na napapagod at nasasaktan  at maging  ang kanyang pamilya ay nahihirapan na din Nagpahiwatig pa si Go na posibleng sadyang napakarumi at mainit ang pulitika.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News