Logo
FEATURED

MGA BAGONG KASO NG COVID-19, BUMABA PA NGAYONG ARAW

Published Nov 25, 2021 10:23 PM by: NET25 News

MGA BAGONG KASO NG COVID-19, BUMABA PA NGAYONG ARAW

BASE sa case bulletin nito ngayong araw, November 25, 2021, nakapagtala lamang ng 975 na bagong kaso ng COVID-19 and Department of Health (DOH). Umabot naman sa 1,029 ang naitalang nadagdag sa mga recoveries at  193 naman sa mga pumanaw. Sa ngayon,umabot na sa kabuuang 2,829,618 ang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,763,947 ang recoveries at 47,875 naman ang kabuuang namamatay na sa sakit. Ang aktibong kaso naman ay umabot na lamang sa 17,796  batay sa pinakahuling datos ng DOH. Sinabi ng DOH na ang mababang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 nitong mga nakaraang  araw ay hindi dahilan para tayo ay  maging kampante. Ito ang paulit-ulit na  paalala ng ahensya sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng sakit sa bansa.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News