Logo
FEATURED

ROOM GUIDE SA HOTEL, ISINAULI ANG NATAGPUANG BAG NA MAY P130,000 CASH

Published Jan 14, 2022 02:26 PM by: NET25

ROOM GUIDE SA HOTEL, ISINAULI ANG NATAGPUANG BAG NA MAY P130,000 CASH

PINURI ng kanyang superior at katrabaho ang 27-anyos na empleyado ng isang hotel sa Mexico, Pampanga matapos niyang magsauli ng isang bag na may lamang pera sa may-ari nito. Ayon sa room guide si Arjay Montemayor, pitong buwan pa lang siyang pumapasok sa nasabing hotel at kahit kapos ay hindi pumasok sa isip niya na angkinin ang natagpuang pera. Aniya nitong Enero 4 nang mag-checkout ang guest nila kaya pumasok siya sa kuwarto para maglinis. Kwento ni Montemayor, nakita niya ang bag sa tabi ng isang mesa na kanyang itinurn over sa kanilang supervisor na siya namang nagbalik sa paalis na guest. Nabatid na ang bag ay may lamang P130,000 na pampasweldo ng guest sa kanyang mga tauhan. Sinabi ni Montemayor na kahit mahirap ang buhay dahil sa pandemya ay hindi niya naisip na kunin ang naiwang bag na may pera.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News