Logo
FEATURED

DAYUHANG BIHAYERO NA PAPASOK SA BANSA HIHINGAN NA NG 'PROOF OF FULL VACCINATION'

Published Jan 14, 2022 04:20 PM by: NET25

DAYUHANG BIHAYERO NA PAPASOK SA BANSA  HIHINGAN NA NG 'PROOF OF FULL VACCINATION'

Kailangan nang magpakita ng katibayan ang mga banyaga na papasok sa bansa na sila ay bakunado na simula sa Pebrero. Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na magsisimula sa Pebrero 16, 2022. "Beginning Feb.16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines," ani Nograles. Ang katibayan ng bakuna ay dapat ipakita bago sumakay ng eroplano sa anumang paliparan sa bansa. Kabilang naman sa mga exemption ang mga bata na wala pang 18 -taong gulang, mga indibiduwal na hindi maaaring mabakunahan dahil sa medikal na kadahilanan na dapat may patunay ng isang public health region sa pinanggaligang bansa. Kabilang naman sa mga maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga foreign diplomats at kanilang mga kuwalipikadong dependents o mga visa holders.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News