Logo
FEATURED

FACEBOOK, GOOGLE, BISTADO SA ILEGAL NA KASUNDUAN

Published Jan 15, 2022 11:32 AM by: NET25 News

FACEBOOK, GOOGLE, BISTADO SA ILEGAL NA KASUNDUAN

Sangkot ang mga boss ng Facebook at Google sa ilegal na kasunduan noong 2018 na naglayong dominahin ang online advertising market, ayon sa US court documents noong Biyernes. Ayon sa isinampang anti-trust lawsuit, minanipula umano ng Google ang ad auctions para patalsikin ang anumang kompetisyon. Pinangalanan sa legal documents si Sundar Pichai, hepe ng Alphabet na parent firm ng Google. Dawit rin sina Facebook executive Sheryl Sandberg at CEO Mark Zuckerberg. "Meta's non-exclusive bidding agreement with Google and the similar agreements we have with other bidding platforms, have helped to increase competition for ad placements," pahayag ng isang tagapagsalita. "These business relationships enable Meta to deliver more value to advertisers while fairly compensating publishers, resulting in better outcomes for all." Bagaman tumataas ang ad revenue ng Google, nakakaranas naman ito ng pressure sa ad market dahil sa mga kakumpitensya gaya ng Facebook, Amazon at iba pa, ayon sa eMarketer. [Photo: Denis Charlet / AFP]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News