Logo
FEATURED

50 KATAO, TINAMAAN NG ACUTE DIARRHEA SA SOUTHERN LEYTE

Published Jan 23, 2022 03:09 PM by: NET25 NEWS

50 KATAO, TINAMAAN NG ACUTE DIARRHEA SA SOUTHERN LEYTE

Nasa 50 indibidwal na ang iniulat ng regional health department sa Southern Leyte na nagkasakit ng acute diarrhea dahil sa maruming tubig na nakitaan ng E.Colu o Escherichia Coli. Kabilang sa mga 12 lalawigan sa Southern Leyte na apektado ng maruming tubig ay ang Anahawan, Bontoc, Hinundayan, Libagon, Liloan, Macrohon, Malitbog, Padre Burgos, Saint Bernard, San Ricardo, Sogod at Tomas Oppus. May 69 na sample ng tubig ang nakolekta mula sa 16 na LGU sa lalawigan para sa random na pagsusuri sa kalidad ng tubig, na nakolekta mula sa mga pinagkukunan na kinabibilangan ng mga hand pump, reservoir at mga koneksyon sa bahay. Sa 50 kaso ng diarrhea , ang Maasin City ay may pinakamaraming naitala na nasa 12, sinundan ng San Ricardo na may 9 kaso at tig 6 na kaso naman sa Pintuyan at San Francisco. Kinumpirma ni Dr. Marc Steven Capongcol, head ng regional epidemiological and surveillance unit and health emergency management section ng DOH Eastern Visayas,na mga acute watery diarrhea cases at nakita sa rural health units. Gayunman, walang pasyente ang na-admit sa ospital at wala namang naitalang namatay. Ayon sa regional sanitary engineer na si Percival de Paz, maaaring nasira ni Odette ang mga pipeline na nagpapahintulot sa mga pathogen na ma-infect ang tubig. Ang pagpasok ng lupa at pagguho ay maaari ding maging dahilan ng kontaminasyon. Pinayuhan naman ng DOH ang mga residente na pakuluan ang tubig bago inumin. Sinabihan na rin ang local government units na magbigay ng logistics tulad ng waterine. Payo din ng DOH na kailangan ng i-rehabilitate at pagbutihin ang water sources . Samantala, ang Philippine Red Cross ay nagsimula na ring magdeliber ng malinis na inuming tubig para sa mga residente sa mga apektadong lalawigan.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News