Logo
FEATURED

LIDER NG CARNAPPING GROUP, ARESTADO

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

LIDER NG CARNAPPING GROUP, ARESTADO

Arestado ang hinihinalang lider ng carnapping group matapos mahulihan ng baril at granada na paglabag sa nationwide gun ban sa Taguig nitong Enero 21. Kinilala ang suspek na si Alberto Cruz, 65, drayber na naaresto sa Pepay Compound, Barangay Wawa, Taguig. Nakatanggap umano ng ulat ang pulisya na si Cruz ay armado ng baril habang nagsisigaw dahilan para magdulot ng panic at pagkabahala sa mga residente sa nasabing compound. Armado ito ng .38 caliber revolver na walang serial number at may kargang dalawang bala,isang Mk 2 fragmentation grenade at lumabag din sa health protocol dahil hindi ito nakasuot ng face mask. Dahil dito, agad siyang inaresto at natagpuan ng operatiba na ito ay lider umano ng Berto Carnapping Group na nakalista sa ilalim ng Case Operational Plan (Coplan) ng Taguig Police para sa third quarter ng 2021, ayon sa Southern Police District (SPD). Mahaharap sa kasong paglabag sa gun ban sa ilalim ng Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code), illegal possession of a firearm and ammunition under Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), illegal possession of an explosive under Republic Act 9516, at Taguig City Ordinance No. 12 (Series of 2020). Samantala, naaresto rin ng Taguig Police Sub-station 10 ng “Oplan Galugad” sa kahabaan ng Tilapia Street sa Purok 4, Lower Bicutan Kung saan naaresto si Roger de Ramon, 45, matapos mahulihan din ng .38 caliber revolver na may limang bala. Ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban mula Jan.9 hanggang June 8 para sa May 9 national and local elections.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News