Logo
FEATURED

DA, TODO-DEPENSA SA PAG-ANGKAT NG GALUNGGONG

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

DA, TODO-DEPENSA SA PAG-ANGKAT NG GALUNGGONG

TODO-DEPENSA si Department of Agriculture (DA) William Dar sa naging desisyon nito na mag-angkat ng 60,000 metric tons (MT) ng galunggong. Ang katuwiran nito, ang nangyaring pananalasa ng bagyong “Odette” ay labis na naka-apekto sa produksyon ng fish products sa bansa. Sa kabila ng nakapagbibigay naman ang aquaculture sector ng mahigit sa 50% ng required na fish supplies, hindi naman aniya ito sapat para i-cover ang supply deficiency. Ang Certificate of Necessity (CNI) para mag-angkat ng 60,000 MT ng isda ay inaprubahan dahil sa pinsalang dulot ng bagyong sa fisheries subsector. Inulan naman ng batikos ang DA sa desisyon nitong mag-angkat ng galunggong. Sa isang kalatas na ipinalabas ni Partido Reporma Chairman at presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson, sinabi nito na papatayin lamang ng naging desisyon ng departamento na mag-angkat ng mga isda gaya ng galunggong at mackerel ang mga mangingisda sa bansa. “Import pa more! After killing our farmers by importing vegetables and fruits, it is the turn of our fishermen to die,” ang pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account, araw ng Miyerkules. Binatikos naman ni Sen. Imee Marcos ang DA sa pagkukunwari at pagsasabi ng “fake shortage” para bigyang-katarungan lamang ang fish importation. Gayundin, sinabi niya na papatayin ng nasabing hakbang ang mga mangingisda. "We have enough fish from stocks unsold in 2021 and yet to be delivered until March. The closed fishing season is also about to end,” ayon kay Marcos. Sa kabilang dako, kinuwestiyon naman ni Sen. Francis Pangilinan ang nasabing hakbang sabay sabing mayaman ang bansa sa aquaculture. Ani Pangilinan, sa halip na mag-angkat ng maraming isa, hinikayat niya ang departamento na tulungan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng taasan ang kanilang produksyon. [Photo: DA]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News