Logo
FEATURED

PINAS, WINELCOME ANG NAGING PAG-AARAL NG ESTADOS UNIDOS NA NAGBABASURA SA PAG-ANGKIN NG BEIJING SA SOUTH CHINA SEA

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

PINAS, WINELCOME ANG NAGING PAG-AARAL NG ESTADOS UNIDOS NA NAGBABASURA SA PAG-ANGKIN NG BEIJING SA SOUTH CHINA SEA

WELCOME sa Pilipinas ang kamakailan lamang na ulat ng US State Department na nagbabasura sa pag-angkin ng Beijing sa South China Sea. "We welcome the affirmation of the 2016 arbitral award by the US State Department's Limits in the Seas No. 150," ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA). "This is consistent with the Philippines-US Joint Vision Statement, which states that the People's Republic of China's expansive maritime claims in the South China Sea are inconsistent with the international law of the sea," dagdag na pahayag nito. Ang pag-aaral na nauna nang inilathala nito lamang unang bahagi ng buwan ay nagsasabi na walang basehan ang China para igiit ang "historic rights" sa pinagtatalunang katubigan. Tinukoy nito ang The Hague ruling na nagpapawalang-bisa sa pang-angkin ng China. Tinukoy rin sa report na ang East Asian giant's maritime claims "gravely undermine the rule of law in the oceans." Samantala, kinatigan naman ni dating DFA Secretary Albert del Rosario ang naging pag-aaral ng US State Department. Binigyang diin nito kung paano ang maliit na bansa gaya ng Pilipinas ay "can make such impact in the world." Para naman sa China, nangako ito na makikipagtulungan sa Pilipinas sa tamang paghawak ng nasabing isyu na may kinalaman sa South China Sea. Binigyang diin nito na hindi sila mambu- bully ng mga maliit na bansa para resolbahin ang sigalot. [Photo: Handout / Philippine coast Guard (PCG) / AFP]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News