Logo
FEATURED

TRAFFIC ENFORCER, NAGBIGTI

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

TRAFFIC ENFORCER, NAGBIGTI

HINIHINALANG na-depress bunsod ng mga sakit sa katawan kaya't naisipan ng isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority na magbigti sa Malabon. Natagpuan ang bangkay ni Roberto Reyes, 59 anyos na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Ayon sa kapatid nitong si Ronald, 28 anyos, nakita na lang niya ang kuya na wala nang buhay. Agad naman siyang humingi ng saklolo sa barangay ngunit bigong maisugod pa sa ospital si Reyes. Bago iyon ay nakita pa umano ng bayaw ng biktima na inaayos ni Roberto ang lubid na kanya mismong ginamit. Tinanong pa umano nito kung para saan ang lubid ngunit hindi siya pinansin ng biktima. Mabilis ding naireport sa himpilan ng Sub Station 7 ang insidente at idineklarang walang foul play sa insidente.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News