Logo
FEATURED

4 NA PREXY ASPIRANTS, NAGPANUKALA NG SOLUSYON SA PROBLEMA SA PHILHEALTH

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

4 NA PREXY ASPIRANTS, NAGPANUKALA NG SOLUSYON SA PROBLEMA SA PHILHEALTH

APAT na presidential aspirants ang nagpanukala ng solusyon sa unpaid claims ng PhilHealth sa mga pribadong ospital. Sina Senador Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno ay kapuwa pumayag na ang PhilHealth ay kailangan na pamunuan ng finance expert, habang nais naman ni Senador Manny Pacquiao na ang state-run health insurer ang tutugon sa corruption" sa kanilang hanay. Para naman kay Vice President Leni Robredo, sinabi nito na ang PhilHealth ay marapat lamang na magbayad ng utang sa mga ospital upang matiyak na magpapatuloy ang operasyon ng mga pasilidad. Sa Jessica Soho Presidential Interviews, kinuwestiyon ni Lacson ang pagkakatalaga sa isang abogado at dating National Bureau of Investigation (NBI) na si director Atty. Dante Gierran bilang chairman ng PhilHealth. “Dapat isang maalam sa finance ang nagha-handle diyan," aniya pa rin. Si Lacson, na humiling ng Senate investigation sa di umano'y korapsyon sa PhilHealth, ay nagpahayag ng pagkadismaya hinggil sa mabagal na proseso ng kaso laban sa mga sangkot na opisyal. Para naman kay Moreno, sinabi niya na magtatalaga siya ng taong nakakaintindi sa finances at hindi health experts sa PhilHealth sakali at maging Pangulo ng bansa. “Ang Philhealth is a financial institution, I will put financial person. Hindi 'yan para sa mga doktor o kung sino sino lang na ina-appoint . We will appoint right person in that particular agency,” aniya pa rin. Ani Moreno, ang kakayahan ng mga opisyal ay kailangan na mag-match sa kung ano ang kailangan sa trabaho. “We have to put a financial guy or group of people who understand finances and how to grow the money of Philhealth,” dagdag na pahayag ng Alkalde. Sinabi naman ni Robredo na mahalaga na agad na mabayaran ng PhilHealth ang utang nito sa mga ospital lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Para sa akin dapat bayaran na lahat, kung merong pagkukulang o merong hindi tamang record ay singilin nila later on. Pero ngayon bayaran na lahat kasi ang daming ospital nagsasara, kasi hindi sila nababayaran,” ani Robredo. “Kaya nagkaganito 'yong Philhealth dahil sa leadership na hindi na-manage ng maayos 'yong opisina. Para sa akin, kailangan 'yong mamuno ng Philhealth ay isang health economist na naiintindihan kung paano papagulungin 'yong pondo ng Philhealth,” dagdag na pahayag ni Robredo. At upang masiguro na magpapatuloy ang PhilHealth benefits sa kabila ng corruption issues, sinabi naman ni Pacquiao na kailangang nakatutok ang bansa sa "revenue income." "Unang-una po, sugpuin natin 'yang korapsyon. 'Yang korapsyon ay talagang kanser ng ating bansa. Pangalawa, mag-focus po tayo doon sa revenue income ng ating gobyerno," ayon sa tinaguriang Pambansang Kamo na isa na ngayong senador. "First, let us address corruption, because it is the cancer in our country. Second, let's focus on revenue income of the government," ayon kay Pacquiao.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News