Logo
FEATURED

BASTE DUTERTE, MAGIGING MABUTING ALKALDE NG DAVAO CITY - PRRD

Published May 14, 2022 12:29 PM by: NET25 News

BASTE DUTERTE, MAGIGING MABUTING ALKALDE NG DAVAO CITY - PRRD

MALAKI ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang bunsong anak na si Sebastian na magiging isang mabuting Ama ito ng Lunsod ng Davao. Sinabi ng Pangulo, mabait si Baste at inaasahan niyang matutulungan ito ng mga taga Davao kasunod ng pagkakapanalo nito bilang bagong Mayor ng Davao city. Sinabi Chief Executive nakita ng batang Duterte ang dapat na pakikisalamuha sa mga tao at naniniwala siyang may napulot din ito sa kung paano mapapatakbo ng maayos ang siyudad. Sa deskripsyon nga ng Punong Ehekutibo kay Baste, cool aniya ito at kahit kailan ay hindi niya ito naringgan na nagsalita ng masama. Uupo si Baste Duterte bilang bagong Mayor ng Davao kapalit ni Inday Sarah na inaasahan namang mauupo bilang Bise Presidente. [Photo: Baste Duterte, Official FB]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News