Logo
FEATURED

NUCLEAR ENERGY PLAN, INAASAHANG MAS LALAKAS SA PAGPASOK NG BAGONG ADMINISTRASYON

Published May 14, 2022 12:31 PM by: NET25

NUCLEAR ENERGY PLAN, INAASAHANG MAS LALAKAS SA PAGPASOK NG BAGONG ADMINISTRASYON

MAKARAANG maayos na mailatag ng administrasyong Duterte Administration ang energy agenda nito kabilang na ang may kinalaman sa nuclear energy, kumbinsido Energy Department na mas lalakas pa ito sa ilalim ng bagong administrasyon. Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr na inaasahan nilang tututukan ng susunod na liderato ng bansa ang paggamit ng alternative energy sources at isa na dito ang nuclear energy. "Unang-una po, ang constants factors standards ng energy plan natin ay based on security, reliability, sustainability, its affordability and of course, iyong global direction natin ng clean energy and decarbonization," ani Erquiza.. "So standard po ito sa buong mundo at ito ang naging basehan ng Philippine Energy Plan natin, at nakikita natin ‘to na consistent din ito doon sa energy plan [na ganito] at agenda na nailatag ho noong eleksiyon," dagdag na pahayag nito. Aniya, magandang nailatag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang framework sa nuclear energy at nasisiguro ani Erquiza nila na maganda ang tatahakin nito sa liderato ni President elect Bongbong Marcos sa susunod na anim na taon. Siniguro naman ni Erquiza na pasok ang tinatawag na constants factors standards ng energy plan ng bansa na ibinase sa security, reliability at sustainability "Iyong ating Honorable Ferdinand Marcos [Jr.] po, mayroon siyang energy agenda na na-mention noon at isang… you have [to] take a note of, the alternative energy sources like nuclear energy. So nakita natin na nailatag ni President Duterte iyong framework and we are very happy in the department of course, because most likely, the nuclear energy plan will be vigorous and very revitalized …this coming six years," anito. "Iyon ho ang aming nakikita na magandang mangyayari ho aside from other [unclear] energy, maganda ho kasi ang pagkalatag ng energy agenda," dagdag na pahayag ni Erquiza Kasama rin aniya ang affordability at pagsunod sa global direction na clean energy and decarbonization.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News