Logo
FEATURED

DOE, INIHAHANDA NA ANG TRANSITION DOCS; UMAASANG ISUSULONG NG SUSUNOD NA ADMINISTRASYON ANG NUCLEAR POWER ADOPTION

Published May 14, 2022 12:40 PM by: NET25

DOE, INIHAHANDA NA ANG TRANSITION DOCS; UMAASANG ISUSULONG NG SUSUNOD NA ADMINISTRASYON ANG NUCLEAR POWER ADOPTION

INIHAHANDA na ang Department of Energy (DOE) ang "set of documents" na naglalaman ng inisyatiba na inaasahan nitong ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon. Kabilang na rito ang tinatawag na "unrealized adoption" ng nuclear power sa energy mix ng bansa sa panahon ng administrasyong Duterte. “What we are preparing is a comprehensive report by Secretary [Alfonso] Cusi to his successor,” ayon kay Undersecretary Felix William Fuentebella. Sinabi ni Fuentebella na itutulak ng DOE na mapasama ang National Position for Nuclear Energy ng administrasyong Duterte pagdating sa legislative framework ng susunod na administrasyon. “Kung tutungo nga ang ating bansa sa pag-develop ng nuclear program," aniya pa rin. Kapuwa naman nangako sina Presumptive president Ferdinand Marcos Jr. at presumptive vice president Sara Duterte na pabibilisin ang adoption ng nuclear power ng bansa na naglalayong pababain ang electricity rates matapos na magpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang executive order na "tapping nuclear power as an energy source along with other alternative energy resources." Ang EO 164 na ipinalabas ng Pangulo ay nagsasad na "states that the national "government will assess, review and develop nuclear energy plans using integrated approaches that consider both the provision of energy supplies, and the role of energy efficiency in meeting increasing demand for energy." Nagpahayag naman ng kanyang intensyon si Marcos na bisitahin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na naging "mothballed" sa nakalipas na tatlong dekada. Maliban sa nuclear power adoption, sinabi ni Fuentebella na iiwan din ng DOE sa susunod na administrasyon ang responsibilidad na “strengthening the energy resiliency of the country as far as the development of indigenous and clean sources is concerned” at maging ang pagtugon sa “what is happening in the international community,” partikular na sa Russia-Ukraine war dahilan upang sumirit ang presyo ng langis sa buong mundo. “Exploration activities should be continuous… There’s a very good potential as far as offshore wind is concerned and connecting it to the grid,” anito. Idinagdag pa ni Fuentebella na ipanunukala rin ng DoE sa susunod na administrasyon ang pagtatatag ng strategic petroleum reserve na magsisilbing buffer stock upang mapagaan ang epekto ang mataas na presyo ng langis resulta mula sa global oil supply disruptions. “We have a big push for other technologies not only for nuclear but also a big push for renewables… focus on indigenous and clean sources,” ayon kay Fuentebella.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News