Logo
FEATURED

RED TIDE, NATUKOY SA MARAMING PARTE NG BANSA

Published May 14, 2022 07:27 PM by: NET25

RED TIDE, NATUKOY SA MARAMING PARTE NG BANSA

PINAG-IINGAT ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkonsumo ng pagkaing-dagat partikular ang mga 'shellfish' makaraang muling tumama ang nakalalasong 'red tide' sa iba't ibang parte ng bansa. Ayon sa BFAR, positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red time ang anim na lugar sa bansa. Kabilang dito ang mga baybayin sa: Bolinao, Pangasinan; Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Milagros, Masbate; Litalit Bay, San Benito, Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur. Bukod sa mga shellfish lalo na ang pinakasikat na tahong, hindi rin dapat kainin ngayon ng tao ang mga alamang. Pero maaari namang kumain ng isda, pusit, hipon at alimango basta sariwa ang mga ito, hinugasang mabuti at inalisan ng hasang at bituka bago lutuin. [Photo: BFAR website]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News