Logo
FEATURED

77-MILYONG ELIGIBLE POPULATION, TARGET BAKUNAHAN NG DOH

Published May 14, 2022 07:48 PM by: NET25 [Photo: TED ALJIBE / AFP]

77-MILYONG ELIGIBLE POPULATION, TARGET BAKUNAHAN NG DOH

Target ng gobyerno sa kanilang COVID-19 vaccination program, na mabakunahan ang humigit-kumulang 77 milyong indibidwal o 85% ng target na eligible na populasyon sa katapusan ng Hunyo, sinabi ng Department of Health noong Sabado. "Our target would be 77 million individuals by the end of June. This is 85% of our targeted eligible population which is 90 million," sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire . "Currently that is our working target. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipinos. We expect only a little number, we hope to reach them by the end of June," dagdag pa ni Vergeire. Iniulat din ni Vergeire na 7,407 indibidwal ang nakakuha ng kanilang COVID-19 jabs sa mga vaccination sites malapit sa polling precinct noong Mayo 9, Araw ng Halalan. "This is something small kung ikukumpara natin sa pang-araw-araw nating accomplishment pero maganda na rin po kasi nakita natin na 'yung ating mga kababayan interesado at willing magpabakuna kahit na pagkatapos pa ng eleksyon na ubod ng init ng araw," dagdag nito Maliit lang ito kung ikukumpara natin sa mga nagawa natin sa araw-araw, pero mas maganda ito dahil nakita natin na interesado at handang magpabakuna ang ating mga kababayan kahit matapos ang eleksyon sa init ng araw. Kasalukuyang nagsasagawa ng espesyal na araw ng pagbabakuna ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mababang pagbabakuna nito. Tinutulungan din ng DOH ang Quezon sa Region 4-A, gayundin ang Regions 4-B, 5, 7, at 12 para mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga nasabing lugar.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News